ARTWORK TINAWAG NA PANGIT, "SINUNOG" NG KLIYENTE; PAINTER INULAN NG BLESSINGS

Ikinalungkot ng isang artist na taga-Isabela ang naging kahihinatnan ng ginawa niyang obra para sa kliyente niya na isang guro.

Bukod sa hindi siya binayaran, nilait at sinunog pa ang pinaghirapan niyang artwork.

Nag-viral ang post ng artist na si Edmar Casinillo nitong May 30, 2023.

Read: 

Kalakip nito ang screenshot ng message exchange niya sa kliyenteng teacher.

Nakasaad dito na hindi raw siyang magbabayad dahil "d maganda ung paggawa mo."

Ang masaklap, sinunog ng kliyente ang oil painting—na tampok ang pamilya na binubuo ng 14 katao.

Mensahe pa ng kliyente (published as is): "D ko maidisplay nakakahiya akala ko nga wla na e dahil sa inis ko un sinunog ko"

Nakikiusap ang artist na kahit PHP3,000 ay bayaran siya kahit man lang mabawi nito ang ginastos sa materyales na obra.

Sana raw ay ibinalik na lang ng kliyente ang obra at hindi na lang sinunog.

Caption ni Edmar (published as is): "Ansakit lang na sinunog yung 14heads oil paint ko, sana binalik niyo nalang po ma'am kung di niyo po nagustuhan."

Ang post ni Edmar ay may 147,000 reactions, 49,000 shares, at 15,000 comments na at press time.

Himutok pa niya (published as is): "Never ko sinunog gawa ko mula nung naguumpisa ako gumawa ng art, kasi sobrang halaga bawat artwork  ko.

"Tapos ganun sinunog lang ng isanh guro yung oilpainting ko na 14heads?"

Inabot ng two months ang artist para tapusin ang commissioned work. 

 

Ang artwork na ginawa ng pintor na si Edmar (Sinadyang i-blur ang painting). 

INFLUENCERS PRAISED EDMAR

Sa kabilang banda, nilait man ng kliyenteng guro ang ginawa ni Edmar, may paresibo ang artist sa mga humanga naman sa obra niya.

Ipinost ni Edmar ang screenshots ng pagpuri ng ilang celebs at influencers, tulad nina Awra Briguella, Zeinab Harake, at ilan pang digital creators.

Sabi ni Edmar sa kanyang post (published as is), "Ito mga to, sikat mga to pero naappreciate nila gawa ko and yung iba nakadisplay na sa bahay nila, tpaos yung hindi sikat, di pa nagbayad, binigay na nga na mura sa knya eh sinunog pa gawa ko, oil paint pa yun."

Samantala, hindi naniniwala ang ilang netizens na sinunog ng guro ang artwork ni Edmar.

Anila, nagpapalusot lang daw ang guro para hindi ito magbayad, pero itinago raw ang painting.

May ilang netizens ang nagsabing abogado sila at sinabihan si Edmar na may karapatan siyang mag-demand ng bayad na nakasaad sa law on obligations and contracts ng Civil Code.

BLESSINGS COME EDMAR’S WAY

Pero nagmistulang blessing in disguise ang nangyari kay Edmar.

Marami kasing netizens ang nahabag sa kanyang sinapit at kusang loob na nag-abot ng tulong pinansiyal via e-wallet.

Ipinost pa ni Edmar sa kanyang Facebook Story ang mga nagmagandang loob, kabilang na rito ang content creator na si Mika Salamanca.

Lubos ang pasasalamat ng pintor sa kanila.

Post ni Edmar (published as is), "Salamat po sa lahat ng sumusupporta sa akin, sana po wag kayo magsawa. Sa mga influencers na  di ako kinalimutan, salamat po.

"Nakakadurog man ng puso ang nanyari. Tuloy parin po sa larangan ng sining."

2023-05-31T16:08:08Z dg43tfdfdgfd