BIYUDA, BUWAN LANG ANG PAGITAN NANG MAMATAYAN NG DALAWANG ANAK NA 'DI NA GUMISING

- Emosyonal na ibinahagi ni Julie na panauhin sa 'Bawal Judgmental' kung paanong nawalan siya ng dalawang anak na buwan lang ang pagitan

- Pumanaw ang kanyang ikalawang anak ilang buwan lamang mula nang pumanaw ang mister ni Julie

- 'Di nagtagal, pumanaw din ang panganay niyang anak sa parehong dahilan sa ikalawa, hindi na sila nagising

- Subalit ngayon, tila nakabawi sa kanya ang tadhana dahil sa tagumpay na tinatamasa naman ng kanyang dalawa pang natitirang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng mga nakapanood ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga noong Mayo 26 ang tungkol sa pait na sinapit ng isang ginang na si 'Julie.'

Nalaman ng KAMI na biyuda na ito at ilang buwan lang matapos na pumanaw ang mister, binawian din ng buhay ang ikalawa niyang anak.

Kwento ni Julie, nais pa naman sana ng anak na maglingkod din sa simbahan kung saan pastor ang ama nito.

'Pagdating po ng May 5, 2011 pumanaw na po siya. Dito siya nakatira sa Antipolo. Nagbo-board, nagtatrabaho sa call center. Ang kinamatay niya ay natulog lang"

Ganito rin umano ang naging kapalaran ng panganay na anak ni Julie na hindi na lamang nagising sa pagkakatulog.

"Pangalawa, August 2, 2011 namatay naman 'yung kuya niya. Ginusto rin niyang maglingkod sa Panginoon. Natulog lang din... Parehong taon, three months apart."

Sa ngayon, kasama ni Julie ang dalawa pa niyang mga anak at pawang nagbibigay sa kanya ng lakas at determinasyon upang ipagpatuloy ang buhay.

Umantig din sa puso ng marami ang isa pang naging contestant ng 'Bawal Judgmental' na si Danny Cortezano.

Matatandaang si Danny ay asawa ni Lorna na minsan nang nag-viral ang love story dahil sa 34 na taon ang agwat ng kanilang edad.

Emosyonal na nabanggit noon ni Danny ang pagkamatay ng kanyang partner na si Lorna na una niyang kasama noon sa naturang segment ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-05-31T15:15:25Z dg43tfdfdgfd