ICE SEGUERRA ON TVJ'S LEAVING TAPE: "MASAYA AKO DAHIL MALAYA NA SILA."

May halong kirot sa puso ang naging pahayag ni Ice Sequerra tungkol sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—kilala rin sa tawag na TVJ—sa TAPE Incorporated, na siyang producer ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Sa Instagram post ni Ice ngayong hapon ng Miyerkules, sinabi nitong hindi niya maintindihan kung lungkot o saya ang nararamdaman niya sa "hiwalayang Eat Bulaga at TAPE."

May binanggit din siya ukol sa "kawalang respeto."

Saad ng singer, "Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?

"Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto.

"Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalu[l]ungkot akong umabot sa ganito."

Sa kabilang banda, masaya naman daw si Ice dahil "malaya na sila" bilang pagtukoy sa pioneer hosts ng noontime show.

Hindi naman daw maikakaila na kahit saan mapadpad ang Eat Bulaga! ay magiging matagumpay pa rin ito at tiyak na tatangkilikin ng tao.

Aniya, "Pero masaya ako dahil malaya na sila. Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya. Hindi rin ako natatakot sa kinabukasan ng programa.

"Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad.

"Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ito nang mas maniningning na bukas."

Si Ice, na kilala pa noon sa pangalang Aiza Seguerra, ay matagal naging bahagi ng Eat Bulaga! mula noong siya ay hiranging fourth runner-up sa "Little Miss Philippines" taong 1987.

Read: Famous child stars of Eat Bulaga!: Where are they now?

THE END OF AN ERA OR JUST A DAY OFF?

Sa pahayag nina Tito, Vic, at Joey kanina, hindi malinaw kung sa kanilang pamamaalam ay kanila rin bang bitbit ang titulong Eat Bulaga!.

Read: Pag-alis ng Tito, Vic & Joey sa TAPE, nag-iwan ng maraming katanungan

Ang malinaw, tinapos na nila ang kanilang relasyon sa TAPE, Inc.na pinamamahalaan ng pamilya Jalosjos.

Read: GMA Network, nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc.; may blocktime deal pa sa TAPE Inc.

Pagbubulgar pa nila, nais sana nilang sa TV mapanood ang huling sultada nila sa palabas ngunit hindi sila pinayagang umere nang live.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon may mahalagang announcement sa Eat Bulaga!

Kaya sa YouTube at Facebook lamang sila pormal na nakapagbigay ng mensahe sa loyal Dabarkads.

Sabi ni Vic, "Hindi na po namin isa-isahin ang laman ng aming mga puso at damdamin. Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang maaagrabyado, at may respeto sa bawat isa."

Sa huling bahagi ng prepared spiels ni Vic, tila may pahiwatig siyang tuloy lang ang saya san man sila dalhin ng tadhana.

Anunsiyo ni Vic: "Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Incorporated.

"Karangalan po namin na kami nakapaghatid ng tuwa't saya, mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo.

"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Hanggang sa muli! Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa."

Nakadagdag pa rito ang post ni Joey sa kanyang Instagram matapos ang kanilang live online announcement.

Saad ni Joey, "We’re not signing off… we are just taking a day off!"

Read: Joey de Leon: "We’re not signing off… We’re just taking a day off!"

Ilang araw na rin kasing lumalabas ang balitang "done deal" na ang paglipat ng TVJ sa TV5.

Read: Tito, Vic & Joey magpapaalam na sa 'Eat Bulaga!'; paglipat sa TV5 "done deal na"?

Marami namang celebrities ang nalungkot sa balitang ito.

Read: Judy Ann Santos, Regine Velasquez, other celebs heartbroken by TVJ farewell; Maine Mendoza bids goodbye to 'Eat Bulaga!'

2023-05-31T12:08:05Z dg43tfdfdgfd