JOHN PRATS EXPRESSES LOVE AND SUPPORT FOR MOIRA DELA TORRE

Hindi pinalampas ng actor-director na si John Prats ang pagkakataong magbigay ng words of encouragement sa singer-songwriter na si Moira dela Torre, na ngayon ay may pinagdaraanan.

Noong May 28, 2023, naging malaking usapin sa social media ang mabibigat na akusasyon kay Moira ng kapwa niya songwriter na si Lolito Go.

May kinalaman ito sa personal na buhay ni Moira, sa hiwalayan nila ng estranged husband niyang si Jason Hernandez, at maging sa kanyang karera bilang singer-songwriter.

Read: Moira dela Torre reacts to Jason Hernandez's sweet photo with a mystery girl

Partikular na rito ang diumano'y pagsisinungaling, pangangaliwa, ghostwriting, at credit-grabbing na ginawa ng "Paubaya" singer.

Read: Songwriter Lolito Go posts string of grievances vs Moira dela Torre; defends Jason Hernandez

Pinabulaanan ni Moira ang ilang alegasyon ni Lolito laban sa kanya.

Read: Moira dela Torre denies ghostwriting, cheating allegations

Ito'y dahil hanggang ngayon ay pinapanindigan ni Lolito ang kanyang naunang post sa Facebook na siyang pinag-ugatan ng kanilang isyu, bagamat nakausap na raw niya ang mga magulang ni Moira.

Read: Lolito Go reveals "heartfelt, tearful talk" with Moira dela Torre’s parents after social media spat

Sa Instagram nitong Martes, May 30, 2023, inihayag ni John ang kanyang pagmamahal at pagdamay kay Moira sa kabila ng isyung kinakaharap niya.

Read: Songwriter Lolito Go shows "resibo" about "ghostwriter" allegation vs Moira dela Torre; Moira’s mother reacts

Simpleng ang naging mensahe ni John pero klarong pagpapakita ito ng suporta kay Moira.

Kalakip ng post niya ang litrato nila ni Moira kuha sa Moira Tour 2023 concert noong February 3, 2023, sa Araneta Coliseum, kung saan si John ang nagdirek.

Tanging hiling ni John, na sana'y matuldukan na ang isyung kinakaharap ng itinuturing niyang kapatid na si Moira.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Praying na sana maging mapayapa na ang lahat [pray hand sign emojis].

"Il always be your kuya! Big Hug and i love you  @moiradelatorre."

Moira’s bandmates, close friends, COLLEAGUES come to her defense 

Bukod kay John, ilan pa sa mga kaibigan at katrabaho ni Moira ang dumepensa at nagbigay ng suporta sa kanya.

Kabilang na rito si Jeff Vadillo, ang vice president ng Cornerstone Entertainment Inc., na siyang namamahala ng karera ni Moira.

Read: Cornerstone vice president defends Moira dela Torre against songwriter’s allegations

Read: Songwriter Lolito Go responds to statement of Moira dela Torre's camp

Maging ang composer at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo.

Read: ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo vouches for Moira dela Torre’s character

At ang mga kabanda niyang sina Luke Sigua, Timothy Recla, Luis Cortez, Migz Haleco, at mga kaibigang sina Theresa Padin at Ren dela Cruz Cortez.

Read: Moira dela Torre’s bandmates, close friends come to her defense against songwriter Lolito Go

2023-05-31T12:08:03Z dg43tfdfdgfd