JUDY ANN SANTOS, REGINE VELASQUEZ, OTHER CELEBS HEARTBROKEN BY TVJ FAREWELL; MAINE MENDOZA BIDS GOODBYE TO 'EAT BULAGA!'

Bukod sa loyal fans ng Eat Bulaga!, marami ring celebrities ang nalungkot sa farewell announcement nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Ginawa ng tatlong veteran hosts ang pamamaalam sa Eat Bulaga! sa pamamagitan ng YouTube channel ng noontime show nitong Miyerkules, May 31, 2023.

Sina Tito, Vic and Joey—na kilala rin sa tawag na TVJ—ang original hosts ng Eat Bulaga! na nasa ika-44 taon na ngayong 2023.

Replay episodes ng Eat Bulaga! ang ipinalabas sa GMA-7 ngayong araw, pero naisingit ang pamamaalam ng TVJ sa Eat Bulaga! YouTube channel.

Hindi umano sila pinayagan ng "new management" na umere nang live kahit na nasa studio silang lahat kasama ang Dabarkads at ilang studio audience.

Isa si Ciara Sotto, bunsong anak ni Tito, sa mga nag-post ng video ng pamamaalam ng TVJ sa Eat Bulaga!.

"I’m sharing this here because this was not allowed to go live on air on your television sets," bahagi ng post ni Ciara.

Isa si Ciara sa mga dating co-host ng Eat Bulaga!

Nagsunud-sunod ang reaction ng mga artista sa post ni Ciara.

Nagpahayag ng kanilang kalungkutan sina Regine Velasquez, Shaina Magdayao, Vina Morales, Mariel Padilla, at Charlene Gonzalez.

Apektado rin si Judy Ann Santos, at ang former Eat Bulaga! co-hosts na sina Pops Fernandez at Marissa Sanchez.

"This is sad," komento ni Asia’s Songbird na si Regine.

Tatlong heartbroken emojis naman ang comment ni Juday, asawa ng Eat Bulaga! co-host na si Ryan Agoncillo.

"TVJ forever," ani Charlene na may kasamang mga heartbroken at crying face emojis.

"Eat Bulaga is TVJ," makahulugang comment ni Mariel.

Nagkomento rin para magpahayag ng suporta at lungkot sina Sunshine Cruz, Kakai Bautista, Nikki Valdez, Ruffa Gutierrez, Vina Morales, at si Mikee Cojuangco na naging co-host din noong 1994.

Nalungkot din si Jopay Paguia, na sumikat sa Eat Bulaga! bilang miyembro ng SexBomb Girls.

"So so so sad," komento ni Pops Fernandez na naging co-host noong 1980s.

Emosyonal na comment ni Marissa Sanchez: "I was a host of Eat Bulaga for one year. Year 2000-2001 and I must say, this breaks my heart as being part of it."

 

 

Read: 

Bukod kay Ciara sina Danica Sotto—anak ni Vic, Jocas de Leon—anak ni Joey ay ipinost sa kani-kanilang IG accounts ang farewell video ng TVJ.

Ito rin ang ginawa ni Pauleen Luna, misis ni Vic at Eat Bulaga! co-host.

Samantala, tila nagpaalam na rin si Maine Mendoza sa noontime show base sa kanyang recent IG post.

"Hanggang sa muli, dabarkads. maraming salamat, @eatbulaga1979," caption ni Maine, na kasama ng mga host ng Eat Bulaga! sa studio kanina.

Nakilala nang husto si ni Maine nang maging bahagi siya ng Eat Bulaga! noong 2015, kung saan nagsimula ang phenomenal love team nila ni Alden Richards na AlDub.

2023-05-31T12:08:14Z dg43tfdfdgfd