MADAM KILAY, NAGPASALAMAT SA EAT BULAGA: "MAGHIHINTAY KAME SA PAGBABALIK"

- Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc.

- Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na atalaga ang paborito niyang noontime show

- Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One

Nagpasalamat si Madam Kilay sa Eat Bulaga sa pagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging bahagi nito. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.

Aniya kahit noong bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang Eat Bulaga at nakapanuod pa siya noon sa studio. Kaya naman laking tuwa niya nang mapasali siya dito.

Akalain mo napasama pa ako sa episode ng Juan For all All for One. Napakasaya ko nung may nag message sakin sa Viber na kukunin nyo daw ako tapos libre lahat hotel and plane ticket pa pinas plus my Talent Fee pa tapos hatid sundo pa araw araw ng Van na malaki first time ko pa nun sumakay sa Van. Sobrang saya Balikan Grabe ang experience ko maraming maraming salamat po sa opportunity!

Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang aktwal na video ng panganganak niya sa panganay nila ng partner niyang si Michael. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Michael lalo na habang nakikita niyang nahihirapan si Madam Kilay. Lalo pa itong naging emosyonal nang sa wakas ay nakalabas na ang kanilang Baby na pinangalanan nilang Morty Solaire Deck. Bumuhos naman ang pagbati para sa kanilang dalawa nahindi maitago ang saya na makasama na nila ang kanilang Baby Lakas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-05-31T12:00:19Z dg43tfdfdgfd