PAG-ALIS NG TITO, VIC AND JOEY SA TAPE, NAG-IWAN NG MARAMING KATANUNGAN

JERRY OLEA

Napuno na ang salop.

Noong Mayo 24, 2023, Miyerkules, pa naulinigan ng PEP Troika na matindi pa rin ang sigalot sa Eat Bulaga!.

Napag-alaman nating malabong magkaayos ang main hosts ng Eat Bulaga! na sina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon, at ang mga Jalosjos na nasa likod ng TAPE, Inc. (Television And Production Exponents, Inc.).

Ang TAPE ang producer ng Eat Bulaga!.

Read: Eat Bulaga!, bubulaga na sa TV5 ngayong 2023?

Ngayong Mayo 31, Miyerkules ay pumasok sa studio sina Tito, Vic & Joey pati na ang ibang hosts, ngunit hindi sila pinayagan ng management na mag-live kaya replay ang napanood sa TV.

Sa Facebook live ni Maine Mendoza, napanood natin ang pamamaalam ng TVJ sa TAPE.

Sa TAPE "kumalas" ang Dabarkads na pinangungunahan ng TVJ.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Naglabas ng official statement ang GMA Network, kung saan sinabing ikinalungkot nila ang mga kaganapan sa Eat Bulaga!.

Nilinaw rin ng GMA na ang blocktime agreement ng network sa TAPE ay hanggang katapusan ng 2024.

Read: GMA Network, nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc.; may blocktime deal pa sa TAPE Inc.

Dahil humiwalay na ang TVJ sa TAPE, hindi na sila mapapanood nang live sa noontime show ng GMA-7 hanggang sa huling araw ng susunod na taon.

Sino ang may karapatan sa program title na "Eat Bulaga!"? Magagamit pa ba ito ng TAPE?

Maglalagay lang ba ang TAPE ng bagong hosts pero iyon pa rin ang title ng programa? O kung magprodyus man sila ng bagong noontime variety show with a new set of hosts, mas makabubuting bagong title na lang?

Post ni Joey de Leon sa Instagram, "We’re not signing off… we are just taking a day off!"

Ibig sabihin, mapapanood pa rin ang Dabarkads sa TV. Hindi pa lang natin matiyak kung magagamit pa rin nila ang program title na "Eat Bulaga!."

Maraming tanong ang masasagot sa tamang panahon.

Lilipat ba ang Eat Bulaga! sa TV5? Kung oo, ano ang timeslot nila?

Hanggang kailan ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5? Maliban sa TV5, palabas ang It’s Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV.

Nag-collab na ang GMA at ABS-CBN sa Kapamilya teleseryeng Unbreak My Heart. Posible bang lumipat sa GMA ang It’s Showtime?

Nagpaalam na si Willie Revillame bilang consultant ng TV5. Posible bang si Willie ang maging main host sa bagong noontime show na ipoprodyus ng TAPE?

Timbang-timbangin natin ang probabilities.

NOEL FERRER

Ang contract ng TAPE sa GMA is Eat Bulaga! and its segments. So, hindi ko alam kung paano ito mamaniobrahin ng TAPE, possibly utilizing the Kapuso talents.

Abang-abang tayo riyan.

Yung lumutang na usap-usapang posibleng si Willie Revillame ang pumalit sa slot na iniwan ng Dabarkads ay isang very remote possibility as changing shows halfway through the TAPE contract sa GMA can be hard to accept.

Sa mga ganitong palitan, sarahan at lipatan ng shows, nakakabilib lang ay ang pagka-solid ng mga Dabarkads sa TVJ at kay Mr Tuviera.

As we speak, tila nagkakagulatan dahil ngayon lang nalalaman ng ibang taga-It’s Showtime ang kahihinatnan nila sa TV5 — since matatapos na ang airing contract nito, diumano, sa TV5 soon.

As always, the talents and the staff are the last to know. Our heart goes out to them.

In the end, more than money, this is a test of relationships. Yung mga totoong nagmamahalan at nagmamalasakit sa isa’t isa ang magsasama-sama anuman ang mangyari.

GORGY RULA

Done deal na nga raw ang usapan ng Tito, Vic & Joey sa TV5. Iyon ang isa sa balitang nasagap ng PEP Troika pagkatapos tayong bulagain ng nakagigimbal na announcement ng TVJ.

Read: Tito, Vic & Joey magpapaalam na sa 'Eat Bulaga!'; paglipat sa TV5 "done deal na"?

Nakalulungkot lang na hindi sila nabigyan ng sapat na panahon at maayos na pagpapaalam sa naturang noontime show.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, replay raw muna ng Eat Bulaga! ang mapapanood sa mga susunod na araw.

Meron ding sitsit na baka iurong muna ang TiktoClock. Ang ilan pang nasagap namin, binubuo na raw ng TAPE, Inc. ang bagong hosts ng ipu-produce nilang noontime show.

Hindi pa masabi ng aming source kung gagamitin ang titulong Eat Bulaga! o talagang bagong show na ito.

Pero noong pumutok daw ang balitang baka tumalon na ang TVJ sa TV5, tinatawagan daw ng taga-TAPE sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, at pati na rin si Paolo Ballesteros.

Hindi ko lang alam kung ano ang napag-usapan, o tinanggap ba nila ang alok ng TAPE, Inc.

Ang dagdag pang kuwento, buong Dabarkads at buong show kasama ang production staff ang dadalhin ng TVJ sa TV5.

Sinabi na rin ng aming source na hindi raw ang Brightlight Productions ang magpu-produce ng noontime show ng TVJ sa Kapatid Network. Hindi pa raw puwedeng sabihin kung sino ang producer.

Ang tanong ngayon, kung matutuloy na ang TVJ sa TV5, ano ang magiging timeslot? Magkaka-back-to-back ba sila ng It’s Showtime kagaya dati ng Tropang LOL?

Hindi pa kumpirmado, pero ayon sa ilang source ng PEP Troika, hanggang June 30, 2023 na lang daw ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5. Walang balita kung iri-renew ba ito ng TV5.

Abangan na lang ang mga latest update at kung ano pa ang mga pagbabagong magaganap na maaring ikagulantang natin.

2023-05-31T12:08:05Z dg43tfdfdgfd